^

Bansa

Pakikipagkasundo ni Cory kay Erap, pinuri ng Palasyo

-

Iginagalang ng Mala­canang ang naging opinion ni dating President Cory Aquino kaugnay sa pag­hingi nito ng paumanhin kay dating Pangulong Joseph Estrada sa pagsu­porta nito sa EDSA 2.

Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza, malaya si Pangulong Cory na gawin ang sa tingin nito ay makakabuti para sa kan­yang sarili lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Wika pa ni Sec. Du­reza, hindi din dapat kali­mutan ni Mrs. Aquino na si Pangulong Arroyo ang gumawa ng supreme act of reconciliation matapos na bigyan nito ng pardon si dating Pangulong Erap na napatunayang nagkalasa ng Sandiganbayan.

“Let us not forget that President Arroyo made the supreme act of reconciliation ahead. She pardoned in spite of the decision of the court on former president Estrada. She exercised the highest act of reconciliation by extending pardon to the former president,” wika ni Dureza.

Idinagdag pa ni Du­reza, handang respetuhin ng Malacanang ang na­ging pananaw at opinion ni dating Pangulong Cory makaraang sabihin nito na isang pagkakamali ang nangyari sa EDSA 2 na nagluklok kay Mrs. Arroyo.

Ipinaliwanag pa ng ka­lihim, mahalaga ang pag­kakaroon ng pagkakaisa ng buong bansa lalo nga­yong nakaharap tayo sa global economic crisis at isantabi muna ang usapin ng 2010 elections. (Rudy Andal)

MRS. AQUINO

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORY

PANGULONG ERAP

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT CORY AQUINO

PRESS SECRETARY JESUS DUREZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with