^

Bansa

NAIA alerto sa pagdagsa ng pasahero

-

Nasa heightened alert ang apat na pangunahing paliparan sa bansa dahil sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong pasahero ngayong kapaskuhan.

Sinabi ni Manila International Airport Authority Asst. General Manager for Security and Emergency Services ret. General Angel Atutubo, mas pinaigting pa ngayon ang seguridad sa NAIA 1, NAIA Centennial Terminal 2, NAIA 3 at Manila Domestic airport upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong nagda­datingan mula sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na ang libu-libong OFWs.

Nagdagdag na rin ng airport personnel sa arrival at departure areas upang masiguro na ma­giging maayos at mabilis ang daloy ng mga pa­sa­hero palabas at papasok sa paliparan.

Muling pinaalalaha­nan ni MIAA General Ma­nager Al Cusi na hindi pinapayagan na magliban ang mga airport personnel na nasa kritikal na assignment sa araw ng holidays kabilang na ang Pasko at Bagong Taon para matiyak na magiging maayos ang serbisyo ng NAIA sa mga pasahero.

Binalaan naman ni Cusi ang mga airport personnel na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbabanggit at o pagbati ng “Merry Christmas” sa mga dumarating na pa­sahero upang maiwasan na makahingi o maka­pangikil sa mga ito. (Ellen Fernando) 

AL CUSI

BAGONG TAON

CENTENNIAL TERMINAL

ELLEN FERNANDO

GENERAL ANGEL ATUTUBO

GENERAL MA

GENERAL MANAGER

MANILA DOMESTIC

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY ASST

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with