Pinay nurse sa Saudi tinarakan

Isang Filipino nurse na nagtatrabaho sa emergency ward ng National Guard Hospital sa Saudi Arabia ang sinaksak ng isang lala­keng may diperensya sa pag-iisip dahil sa pag­me-makeup ng bik­tima.

Ito ang nabatid sa isang ulat ng GMA News bagaman hindi pa binanggit ang pa­nga­lan ng nurse. Gina­gamot sa intensive care unit ang biktima habang isinusulat ito.

Sinasabi rin na, batay sa ulat ng online news site na Arab News, ang suspek ay may edad na mula 18 hanggang 20 anyos at anak ng isang opisyal ng National Guard.

Sinaksak ng suspek ang biktima dahil uma­no sa paglalagay nito ng makeup.

Sinasabi pa na na­ging gumon sa bawal na gamot ang suspek na agad namang na­da­kip ng military police.

Show comments