^

Bansa

Pinoy captain napatay sa Nigeria

- Ni Mer Layson -

Isang Pinoy na kapitan umano ng barko ang sina­sabing binaril at namatay habang dalawang Russian naman ang kinidnap sa isang pag-atake ng ilang armadong lalaki sa ban­sang Nigeria.

Sa ulat na na­karating kahapon sa tang­gapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pinoy na hindi pa pina­ngalanan ay sinasabing kapitan ng isang oil services supply vessel.

Nasawi umano ito ma­tapos na barilin ng mga ar­madong lalaki na suma­lakay sa southern state ng Akwa Ibom noong Sabado ng madaling-araw.

Matapos ang pama­maril ay kinidnap din umano ng mga armadong suspek ang dalawang Russian bago tuluyang tumakas sakay ng isang speedboat.

Pinaniniwalaang gaga­wing hostage ang dala­wang kinidnap na Russian at palalayain lamang ka­palit ng ransom money.

Sinabi naman ng DFA na kinukumpirma pa nila ang naturang ulat hinggil sa pagkamatay ng Pinoy ship captain sa Nigeria.

Ayon kay DFA Spokesman Claro Cristobal, ina­tasan na nila ang mga opisyal ng embahada sa Abuja, na siyang capital ng Nigeria, upang beripikahin ang naturang ulat.

“Our embassy in Abuja has been instructed to verify that report,” ayon pa kay Cristobal sa isang text message.

vuukle comment

ABUJA

AKWA IBOM

AYON

CRISTOBAL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ISANG PINOY

MATAPOS

PINOY

SHY

SPOKESMAN CLARO CRISTOBAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with