^

Bansa

Magbayad ng premiums bago mag-Disyembre 23 - PhilHealth

-

Hinikayat kamakailan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang lahat ng Individually Paying Members o IPMs nito na mag­bayad ng kanilang kontribusyon para sa fourth quarter bago sumapit ang ika-23 ng Dis­yembre ng taong kasalukuyan upang maiwasan ang abala at mahabang linya sa mga payment center sa buong kapuluan.

Sa panayam ng “Dear PhilHealth” sa DZRH kay Walter Bacareza, PhilHealth Manager for Marketing and Collections, nanawagan si Baca­reza sa lahat ng IPMs na hang­ga’t ma­aga ay makapaghulog na ng kontribusyon ang na­sabing mga miyembro upang maiwasan ang holiday rush. Aniya, maa­aring magbayad sa alinmang PhilHealth Regional at Service Offices at 44 accredited collecting agents at sa mga sangay nito sa buong bansa.

Binigyang diin din ni Ba­careza ang kahalagahan ng pagbabayad nang regular, kumpleto at on-time upang matiyak ang pagkakamit ng kanilang PhilHealth benefits sa mga ospital na accredited ng PhilHealth. Idinagdag pa niya na may medical procedures na nangangailangan ng sufficient regularity of premium contributions kung saan dapat ay na­kapagbayad ang isang IPM ng hindi bababa sa siyam na buwan sa loob ng nakaraang 12 buwan bago makapagkamit ng iba’t ibang outpatient at inpatient benefits sa mga accredited hospital. Ang premium ay umaabot lamang sa P300 at maaaring bayaran nang quarterly, semi-annually o annually.

Ipinaalala rin ni Bacareza sa mga pribado at pampublikong employer na mag-remit ng kon­tribusyon ng kanilang mga em­pleyado para sa buwan ng Disyembre 2008 kasama ang employer counterpart bago mag-Enero 9, 2009; gayundin ng electronic o hard copy format ng kanilang remittance report para sa nasabing buwan bago mag-Enero 15, 2009.

Ang employed members ay umaabot na sa 7.83 milyon o 49.6 porsiyento ng kabuuang 15.78 milyong miyembro ng PhilHealth, samantalang uma­abot naman sa 2.84 milyon o walong porsiyento nito ay IPMs.

vuukle comment

ANIYA

ENERO

INDIVIDUALLY PAYING MEMBERS

MARKETING AND COLLECTIONS

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION

SERVICE OFFICES

SHY

WALTER BACAREZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with