^

Bansa

Runner ni Jocjoc sumuko na

-

Matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Senado na nag-uutos na ikulong sa Pasay City Jail ang apat na indibidwal na hindi dumalo sa hearing ng P728M fertilizer fund scam, sumuko kahapon si Maritess Aytona, ang sinasabing runner ni dating agriculture under­secretary Jocelyn “Joc­joc” Bolante.

Sinundo ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Com­mittee, si Aytona sa Sofitel Hotel matapos magpa­ sabing isusuko na niya ang kanyang sarili.

Agad na idiniretso si Aytona sa Medical at Den­tal Office ng Senado kung saan siya sumaila­lim sa eksaminasyon at natuklasang tumaas ang kanyang blood pressure na umabot sa 140/100.

Mananatili sa kusto­diya ng Senado si Aytona matapos mag-desisyon si Gordon na bawiin ang naunang desisyon na ipakulong ito sa Pasay City jail.

Bagaman at naka-ba­kasyon na ang Kongreso, itinakda ni Gordon sa Lunes ang pagdinig ng komite upang mapaking­gan ang panig ni Aytona kaugnay sa P728M fertilizer fund scam na sina­sabing ginamit ni Pangu­long Gloria Arroyo sa kanyang campaign fund noong 2004.

Nagpakita kamaka­lawa ng gabi kay Gordon sa Senado ang kapatid ni Aytona na si Ramon ma­tapos magpalabas ng warrant of arrest ang mga senador.

Ayon kay Ramon, hindi totoong inisnab ng kanyang kapatid ang pag­dinig ng Senado kama­kalawa.

Papunta na umano ang kanyang kapatid sa Senado nang may huma­rang sa kanilang sasak­yan na isang nakamotor­siklong lalaki at tutukan ito ng baril. Natakasan umano nila ang nasabing lalaki at hindi na nakadalo sa hearing si Aytona.

Nagpasya si Gordon na ilagay sa protective custody ng Senado si Aytona na nauna nang binantaan ng senador na magdaraos ng Pasko at Bagong Taon sa Senado kung hindi magsasabi ng totoo. (Malou Escudero)

AYTONA

BAGONG TAON

GLORIA ARROYO

GORDON

MALOU ESCUDERO

MARITESS AYTONA

PASAY CITY

PASAY CITY JAIL

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with