^

Bansa

Philpost lugi ng P200M taun-taon

- Ni Malou Escudero -

Umaabot sa P200 mil­yon ang nalulugi sa Philippine Postal Corp. (Phil­post) taun-taon dahil sa umano’y pag-abuso ng mga opisyal ng Malaca­ñang at maging ng mga mambabatas sa “franking privileges” o libreng pag­papadala ng sulat.

Sa Senate Resolution 799 na inihain ni Sen. Miriam Defensor-San­tiago, dapat agad maim­bestigahan ng Senado ang nasabing isyu upang maiwasan ang pagka-bankrupt ng Philpost lalo pa’t nababawasan na ang nagpapadala ng sulat dahil sa pagsusulputan ng cellular phones kung saan nagiging mabilis na ang komunikasyon.

“Whereas while speaking at the 110th anniversary of the Philippine Postal Corporation (Philpost), Postmasker Generak Hector Villanueva allegedly called on lawmakers and officials of the executive department to stop using the mail without paying postage to prevent the Post Office from going bankrupt,” ani Santiago sa kanyang resolusyon.

Sinabi pa umano ni Villanueva na dapat mag­bayad ng kanilang postage, handling at delivery ang mga opisyal ng gob­yerno dahil ang Philpost ay isang government-owned and controlled corporation at isang income-generating agency na umaasa lamang sa kani­ang income para mag­patuloy ang operasyon.

Dahil umano sa tina­tawag na ‘franking privileges”, umaabot sa P150M hanggang P200M ang nawawala sa Philpost.

Sa resolusyon ni San­tiago, dapat lamang i-waive na ng mga opisyal ng gobyerno ang kani­lang pribilehiyo na libreng makapagpadala ng mga sulat at isama na lamang sa kanilang budget ang postage at handling costs.

Samantala, sinabi na­man ni Assistant Postmaster General for Administration Luis Carlos na hindi sakop ng franking privileges ang pag­papadala ng mga materials para sa ‘pulitika’ o ‘pangangampanya’ at ito ang unang pagkakataon na isiniwalat ito ng Post­master General.

vuukle comment

ADMINISTRATION LUIS CARLOS

ASSISTANT POSTMASTER GENERAL

MIRIAM DEFENSOR-SAN

PHILIPPINE POSTAL CORP

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

PHILPOST

POST OFFICE

POSTMASKER GENERAK HECTOR VILLANUEVA

SA SENATE RESOLUTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with