2,000 OFWs nawalan ng trabaho sa Taiwan

Tinatayang mahigit sa 2,000 manggagawang Pi­ noy ang nawalan na ng tra­baho sa Taiwan, at posib­leng maging triple pa umano ang nasabing bilang sa unang bahagi ng susunod na taon.

Ayon kay Antonio Ba­silio, Manila’s envoy sa Taipei, 2,073 Pinoy na manggagawa na ang na-retrench sa trabaho mula sa 49 pabrika simula noong Oktubre.

Ang pag-lay-off aniya ng mga empleyado ay epekto ng global financial crisis, lalo pa at ang eko­nomiya ng Taiwan ay ma­ituturing na “export dependent”.

Sinabi naman ni Labor attache Rodolfo Sabulao, batay sa kanilang pag­taya, 3,000 Pinoy sa Taiwan ang maaring maa­pek­tuhan ng krisis nga­yong taon at ka­rag­da­gang 3,000 pa sa sa pag­tatapos ng unang quarter ng 2009.

Ani Basilio, hindi la­mang mga Filipino workers ang apektado ng lay-offs kundi maging ang iba pang dayuhang mangga­gawa gaya ng Vietnamese, Indonesians, Thais at Indian nationals.

Inaasahan aniya na mas marami pang mag­pa­tupad ng layoffs sa 2009 lalo pa’t ramdam na ang epekto ng krisis sa malalaking kum­panya na ang export markets ay ang United States at Europe.

Umaabot din aniya sa 400 kada araw ang bilang ng mga OFWs na humi­hingi ng tulong at nagpo­proseso ng kanilang mga doku­mento sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Sinabi ni Basilio na mayroon namang mga job openings sa mga construction at services sectors na maaring maging “fallback” ng mga Pinoy na magna­ nais na manatili sa Taiwan. Hindi nga lang aniya ganoon kalaki ang demand gaya ng sa mga manufacturing industry.

Ang higit aniyang na­ka­kaawa ay ang mga bagong dating lamang na OFWs sa Taiwan na may mga na­iwan pang utang sa Pilipi­nas. (Doris Franche/Mer Layson)

Show comments