Bilang pagbibigay diwa sa pagdiriwang ng kapaskuhan, inirekomenda na ng Armed Forces of the Philippines at Defense Department kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang tigil-putukan o suspension ng opensibang militar laban sa mga rebeldeng New People’s Army sa bansa.
Gayunman, nilinaw ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Ernesto Torres Jr. na ipauubaya na nila sa Malacañang ang desisyon kung aaprubahan ang naturang rekomendasyon. (Joy Cantos)