Babuyan sa Bicol binantayan sa Ebola
Inatasan ng pamunuan ng National Meat Inspection Service ang mga city at provincial officials nito sa Bicol na higpitan ang monitoring sa mga babuyan sa rehiyon.
Ito ay ginawa ni NMIS Director Jane Bacayo bunsod na rin ng pagkakadiskubre noong nakaraang linggo sa ebola virus sa mga babuyan sa Nueva Ecija, Bulacan at Pangasinan.
Sinabi ni Bacayo na mas mainam na maagap na kumilos ang mga tauhan upang matiyak na libre sa naturang virus ang mga babuyan sa rehiyon kahit na wa lang epekto sa kalusugan ng tao ang Ebola.
Ang Bicol ang isa sa may pinakamalaking produksiyon ng baboy sa bansa bukod sa naturang tatlong lalawigan na napaulat na may ebola ang mga baboy.
Idiniin ni Bacayo na kailangang suriing mabuti ang mga alagaing baboy na ibebenta sa mga pamilihan lalupat in-demand ngayon ang karne ng baboy dahil sa Kapaskuhan.
Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Bacayo ang mga meat consumers na tingnan kung may tatak ng pagkasuri ng NMIS ang mga karne upang matiyak na ligtas sa anumang sakit ang bibilhing baboy. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending