Isang araw bago ang bigtime birthday celebration ni pound-for-pound boxing champion Manny “Pacman” Pacquiao ay fully-booked na ang malalaking hotel sa General Santos City para dumalo ang VIP guests nito sa kanyang kaarawan bukas.
Gaganapin ang bonggang birthday celebration ni Pacquiao sa KCC Convention Center sa lung sod na ito bukas.
Kabilang sa VIP guests ni Pacquiao ay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang sina Environment Secretary Lito Atienza, National Security Deputy Director Chavit Singson, at iba pang opisyal ng pamahalaan at ng militar at pulisya.
Sinabi ni Michael Bren Evangelio, personal secretary ni Pacquiao, inaasahan ding bisita ng pambansang kamao sa kanyang kaarawan ang mga nakalaban nito na sina Marco Antonio Barrera, David Diaz at Edwin Valero na personal na inimbitahan ng popular na boksingero.
Inaasahan na aabot sa mahigit 1,800 ang magiging panauhin ni Pacquiao para sa kanyang bonggang birthday celebration bukas.
Para naman sa mga fans at kababayan ni Pacman ay maghahanda din ang pambansang kamao sa Oval Plaza kung saan ay inaasahang aabot naman sa 8,000 pack meals ang ipapamigay ni Pacquiao.
Magbibigay ng entertainment ang sikat na lead vocalist ng international band na Journey na si Arnel Pineda at iba pang kaibigan ni Pacquiao sa showbiz. (Rudy Andal)