OFWs na nawalan ng trabaho aayudahan - Echiverri

Inihayag kahapon ni Caloocan City Mayor En­ rico “Recom” Echiverri na nakahandang ayudahan ng pamahalaang lungsod ang mga nawalan ng trabahong overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa krisis pang-ekonomiya.

Ayon kay Echiverri, pangungunahan ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) ang pagbi­bigay ng mga karag­ da­gang programa at ser­bisyo para sa mga pina­uwing OFWs na residente ng lungsod.

Nakahandang tulungan ng Public Employment Service Office (PESO) ng LIRO ang mga dating OFWs na makahanap ng ibang tra­ baho sa bansa o sa abroad, anang alkalde.

“Kailangan lamang ni­lang magdala ng dalawang 1x1 ID picture at barangay clearance para makina­bang sa regular employment program ng PESO,” aniya. (Lordeth Bonilla)

Show comments