^

Bansa

Mga babuyan sa Luzon babantayan sa Ebola

-

Magpapatupad ang Department of Agriculture (DA) ng massive inspection sa lahat ng mga ba­buyan sa buong Luzon dahil sa paglitaw ng sakit na ebola reston virus sa mga babuyan sa Nueva Ecija, Pangasinan at Bu­lacan.

Ayon kay Agriculture Secretary Arthur Yap, hinihintay na lamang ng ahensiya ang suportang teknikal na magmumula sa international health organization para sa natu­rang programa.

Sinabi ni Yap, ang ma­hirap sa ebola reston, wala umano itong sinto­mas na taglay ng baboy at dapat ibayong pag-iingat ang pagsusuri sa reproductive at respiratory system ng naturang hayop.

Muling nanindigan si Yap na walang dapat ikabahala sa pagkain ng karneng baboy na may ebola reston virus dahil wala itong epekto sa ka­lusugan ng tao.

Aniya, maging ang World Health Organization ang nagsabing ligtas ku­main ng karne na may ebo­la reston dahil wala umano itong naidudulot na sakit o impeksyon sa mga tao.

Pumutok ang ebola reston virus nitong nakali­pas na linggo matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri na ginawa ng Research Institute for Tropical Medicine sa mga babuyan sa Central Lu­zon. (Angie dela Cruz)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

ANGIE

ANIYA

CENTRAL LU

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

NUEVA ECIJA

RESEARCH INSTITUTE

SHY

TROPICAL MEDICINE

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with