Pondo ng mga senador unahin na i-audit

Hiniling ng isang pam­bansang alyansa na may 61 pro-poor at civic organizations sa Senado na bago magsagawa ng im­besti­gasyon tungkol sa isang fund scam ay dapat muna nilang suriin kung legal ang paggamit o pag­gas­tos nila ng kani­lang pondo.

Ayon sa Balikatan Peo­ple’s Alliance, na­paka-unfair hindi lang sa ka­ nilang taong iniimbes­tigahan kun­di sa pang­kalahatan kung ang Se­nado ay tila immune na i-audit ang kani­lang mga pondo gayung sa anu­mang oras kapag na­gus­tuhan nila na mag­sagawa ng imbes­ti­gas­yon ay agad nila itong gagawin.

Sinabi ni Balikatan Chairman Louie Balbago na walang katiyakan ang taumbayan kung ang kani­lang binabayarang buwis ay ginagamit ng wasto ng mga senador na hindi na­man nagbibigay ng serti­piko sa taum­bayan kung saan ginamit ang kanilang pondo.

“Paano natin mala­laman na walang ano­malya ang paggamit ng pondo ng mga Senador kung wala silang ma­ipapakitang pru­weba na sa ganitong pro­yekto ginamit ang buwis ng mama­mayan” wika ni Bal­bago.

Dapat umanong mag­ka­roon ng pakialam ang taumbayan kung paano inuubos ang buwis ng mga Senador na nag­mimis­tu­lang hari at reyna ng Pili­pi­nas.

Idinagdag pa ni Ba­li­bago na kung ang mga Se­nador ay para sa ta­um­bayan, dapat na nilang pa­simulan ang paggawa ng rules at regulations sa transparency ng paggas­tos nila ng pondo. (Butch Quejada)

Show comments