Meralco pinagsabihan ng CA

Idiniin kahapon ng Court of Appeals na hindi maaaring basta na la­ mang puputulan ng kur­yente ng Manila Electric Company ang sinu­mang kustomer nito kahit pa mahuli itong gumaga­mit ng iligal na kuneksyon.

Ginawa ng CA ang dek­ larasyon kaugnay sa Kaso ni Ambassador En­rique Syquia kung saan nadisku­bre ng Meralco na may “jumper” ang bahay nito sa North Forbes Park, Makati City noong taon 1999.

Sa desisyon ng CA 15th division, pinagbaba­ yad ng hukuman ang Me­ralco ng mahigit P400,000 danyos dahil sa pagputol sa suplay ng kuryente sa bahay ng embahador makaraang matuklasan ang jumper na nakapa­loob sa sementadong pader nito.

Siningil pa ng Meralco si Syqiua ng 119,000 pesos na deposito para sa differential billing na ma­higit P800,000.

Subalit lumitaw sa pagdinig ng korte na na­roroon na ang nasabing “jumper” bago pa man nabili ni Syquia ang na­sabing bahay.

Lumitaw din na hindi nakaapekto sa billing ng kuryente ang naturang “jumper” at umaabot pa rin sa daan-daang libong piso ang binabayarang kuryente ni Syquia.

Nilinaw ng CA na hindi maaaring putulan ng kur­yente ang isang consumer nang walang written notice o babala mula sa Meralco.

Bukod dito, kailangan ring may kasamang pulis o kinatawan mula sa Energy Regulatory Board ang mga tauhan ng Me­ralco kapag may sinisi­yasat silang iligal na ku­neksyon bago nila ito agarang putulan ng su­play ng kuryente ang isa nitong kustomer. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments