^

Bansa

Bolante nakapuntos sa SC

- Gemma Amargo-Garcia -

Nakapuntos kaha­ pon si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante mata­pos pagbigyan kahapon ng Supreme Court ang petisyon nito para sa writ of habeas corpus.

Sa 3 pahinang reso­lusyon, inatasan ng ka­taas-taasang hukuman ang Court of Appeals na agad na i-raffle ang pe­tisyon ni Bolante nga­yong araw at kasunod nito ay itinakda sa Dis­yembre 12, 2008, ganap na alas 10:00 ng umaga ang pagdinig.

Inatasan din nito ang Senado na iharap sa nasabing pagdinig si Bolante.

Kinuwestiyon ni Bo­lante ang ginawang pag-aresto sa kanya ng Se­nado dahil lamang sa hindi ito nagpapahayag ng katotohanan sa kan­yang mga testimonya sa naging pagharap nito sa Senate Inquiry kaugnay ng fertilizer fund scam.

Iginiit ni Bolante na itinanggi sa kanya ang due process nang ares­tuhin ito ng Senado sa ka­bila ng pagdalo niya sa hearing kung saan nag­silbi na umanong judge at executioner ang mga senador na hindi sya pi­nagbigyan na de­pensa­han ang kan­yang sarili.

vuukle comment

AGRICULTURE UNDERSECRETARY JOCELYN

BOLANTE

COURT OF APPEALS

IGINIIT

INATASAN

JOCJOC

SENADO

SENATE INQUIRY

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with