^

Bansa

Pacquiao gagawing peace envoy

-

Matapos ang mata­ gum­pay na laban ni Peo­ple’s Champ Manny “Pac­man” Pacquiao, isinulong kahapon ni Sen. Juan Miguel Zubiri na gawin itong Mindanao peace envoy.

Ayon kay Zubiri, si­guradong malaki ang magagawa ni Pacquiao sa pagpapanatili ng kapa­yapaan sa Mindanao da­hil halos tinitingala na ito ng halos lahat ng mga Pilipino.

Isang resolusyon din ang inihain ni Zubiri na humihiling na pormal na kilalanin ng Senado ang tagumpay na natamo ni Pacquiao laban kay Oscar De La Hoya.

Sa Senate Resolution 792 na ikinasa ni Zubiri, sinabi nito na dapat kila­lanin si Pacquiao bilang katangi-tanging boksi­ngero sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nanalo si Pacquiao laban kay Oscar de la Hoya matapos na sumu­ko ang tinaguriang Gol­den Boy sa kanilang 12-round fight sa Las Vegas, Nevada nitong Linggo.

Si Pacquiao din ang bi­nansagang kauna-una­ hang Asyano at Pilipino na nag­wagi sa apat na mag­kaka­hiwalay na tim­bang, pang-siyam naman siya sa buong mundo na may ga­nitong reputasyon na kinabibilangan nina Tom­my Hearns, Sugar Ray Leonard, Roberto Du­ran, de la Hoya, Floyd May­weather Jr., at Roy Jones Jr. (Malou Escudero)

CHAMP MANNY

FLOYD MAY

JUAN MIGUEL ZUBIRI

LAS VEGAS

MALOU ESCUDERO

MINDANAO

OSCAR DE LA HOYA

PACQUIAO

PILIPINO

SHY

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with