Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na bibigyan ng mga regional election directors, provincial election supervisors at election officers ng priyoridad o” preferential treatment” ang mga taong may mga kapansanan, mga senior citizen at mga buntis na magpaparehis tro sa buong bansa upang makaboto para sa idaraos na Mayo 10, 2010 national at local elections.
Ang paniniyak ay ginawa ni Comelec Chairman Jose Melo kasabay ng kanyang direktiba na nag-aatas sa lahat ng election officials sa buong mundo na maglagay ng mga “express lanes” para sa mga nabanggit na bo tante sa lahat ng Comelec offices.
Ayon kay Melo, inaasa han nilang dadagsa ang mga bagong registrants sa mga Comelec offices kaya’t nais aniya niyang magkaroon ng express lanes para sa mga may kapansanan, mga senior citizen, at mga buntis, upang hindi mahirapan ang mga ito sa pagpapatala.
Ang naturang voters’ registration na sinimulan noong Disyembre 2, 2008 at magtatagal hanggang Disyembre 15, 2009 sa lahat ng lugar sa buong bansa maliban lamang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). (Doris Franche)