Na-hit-and-run: Pinay comatose sa Cyprus
Isang Pinay domestic helper ang na-comatose matapos na mabiktima ng “hit-and-run” sa bansang Cyprus.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nananatiling walang malay sa pagamutan ang biktimang si Desiree Lopez.
Si Lopez, na pitong taon na umanong nagtatrabaho sa isang panaderya sa Cyprus, ay na-comatose matapos masagasaan at takasan ng isang motorsiklo noong Oktubre 2.
Kaugnay nito, binatikos ng mga Pinoy sa Cyprus ang mga opisyales ng Philippine consulate sa naturang bansa dahil sa umano’y kabiguang tulungan si Lopez.
Akusasyon ng mga ito, tanging ang pakikipag-ugnayan sa mga kaanak ng DH sa Pilipinas ang ginawa ng gobyerno dahil hindi umano legal ang pagtatrabaho ng DH sa dayuhang bansa.
Anila, isang Cypriot na nakapag-asawa ng Pinay ang tanging nagbibigay ng pinansyal na tulong ngayon sa biktima( Mer Layson)
- Latest
- Trending