^

Bansa

Thailand siege tapos na

-

Natapos na rin kaha­pon ang karahasan sa Thailand matapos umatras ang pu­wersa ng anti-government troops sa kinub­kob na Bangkok International Airport kasunod ng pagbaba sa puwesto ng kanilang Prime Minister Somchai Wongsawat.

Umabot sa walong araw ang itinagal nang ka­guluhan sa Thailand sanhi upang ma-stranded ang may 230,000 turista.

Gayunman, nabatid sa Thai government na maa­aring abutin pa ng hang­gang Disyembre 15 bago tuluyang nabuksan para sa international flight ang Suvarnabhumi Airport da­hil sa gagawing pag-aayos at pagkukumpuni sa loob.

Ayon kay airport general manager Serirat Pra­sutanond na ang mara­ming mga nasira sa loob ng paliparan sa paglusob ng mga protesters na na­ngangailangan pa ng pag-aayos maging ang security at computer system nito na posibleng abutin ng dala­wang linggo.

Ang nasabing palipa­ran ang sinasabing isa sa mga pinakamalaking airport sa buong mundo na nagkakahalaga ng $4 bilyon. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

BANGKOK INTERNATIONAL AIRPORT

DISYEMBRE

ELLEN FERNANDO

GAYUNMAN

NATAPOS

PRIME MINISTER SOMCHAI WONGSAWAT

SERIRAT PRA

SHY

SUVARNABHUMI AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with