^

Bansa

'Runner' ni Jocjoc ipinaaaresto

- Butch M. Quejada -

Ilalabas anumang oras ang warrant of arrest laban sa sinasabing bag­man ni dating Under­secre­tary Jocelyn ‘Jocjoc’ Bolante matapos niyang isnabin ang ginawang pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon.

Sinabi ni Palawan Rep. Abraham Mitra, Chairman ng House Com­mittee on Agriculture, na ipahuhuli nila si Maritess Aytona, dahil sa pagta­ tago nito sa komite para iwasan ang mga kata­nungan na ipupukol sa kanya ng mga mambaba­tas na kasapi ng komite para magbigay linaw sa mga isyu hinggil sa P728 milyong fertilizer fund.

Ayon kay Mitra, noon pang November 27 pina-subpoena ng Kongreso si Aytona pero ayon sa report ay hindi pa nabibigay ang subpoena dito dahil ng puntahan ang SSS Village, sa Marikina City na sinasabi niyang tirahan ay hindi ito nakita at hindi rin siya kilala ng mga resi­dente dito.

Wala rin si Aytona sa Philippine Heart Center, Quezon City ng puntahan siya dito dahil hindi na­man pala ito na-confine dito kundi nagpa-check up lang umano ito.

Naunang hiningi ni Cavite Congressman Crispin Remulla ang pag­papalabas ng arrest warrant laban kay Aytona makaraang lumitaw na peke ang tinanggap ni­lang mga address nito.

Hihilingin ng Kamara ang tulong ng Philippine Na­tional Police (PNP) ka­pag ipinatupad na ang arrest order dito ng Kongreso.

Samantala, sinuspin­de ng komite ang pagdi­nig kahapon para big­yang-daan ang plenary session ng House na magbobotohan sa impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Mitra na tina­pos muna nila hanggang kahapon ang pagdinig makaraang humarap sa kanila ang mga kasaluku­yan at nagdaang opisyal ng mga departamento ng Agriculture at Budget.    

Sinabi ng mambaba­tas na malamang na sa susunod na taon muli idaraos ang mga pagdinig dahil magsisimula na sa Disyembre 19 ang Christmas break ng Mababang Kapulungan.

vuukle comment

ABRAHAM MITRA

AYTONA

CAVITE CONGRESSMAN CRISPIN REMULLA

HOUSE COM

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MARIKINA CITY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with