Humihingi ng danyos sa Department of Justice ang tinaguriang “Tagay tay 5” dahilan sa ilang taong pagkakakulong sa kanila ng gobyerno.
Ayon kina Riel Custodio, Axel Pinpin, Aristides Sarmiento, Rico Ybanez at Michael Misayes, ang gobyerno umano ang siyang responsable sa halos 28 buwan nilang pagkakapiit matapos silang arestuhin ng Calabarzon regional police office at ng Navy Intelligence .
Sinabi nila na patuloy silang maghahanap ng katarungan kahit na pinawalang sala sila noong Agosto 20,2008.
Hindi pa rin sila kuntento dahil sa ang may sala at lumabag sa kanilang karapatang pantao ay patuloy pa ring nakakalaya sa Southern Tagalog region.
Ang lima ay inaresto ng mga awtoridad dahil sa hinalang miyembro sila ng New Peoples Army. (Gemma Amargo-Garcia)