Gatas ng baka at itlog ng manok panlaban sa dengue

May mabisang pang-sagip buhay sa tumataas na bilang ng sakit na dengue na dala ng virus ng lamok.

Ito ang napatuna­yan sa paglalarawan ng ilang nakaranas na maisalba ng isang uri ng natural supplement na nagmula umano sa kolustrum o gatas ng baka at dilaw sa itlog o ‘egg yolk’ na ipri­ noseso sa pamamagitan ng transfer factor.

Sa pamamagitan umano ng tinaguriang transfer factor product, isang batang naka-confine sa intensive care unit ng San La­zaro Hospital ang na­isalba ang buhay sa kamatayan, nang mag­bigay ng libreng transfer factor product ang grupo ni Mrs. Emilen Uy.

Nabatid na ang pas­yente ay pinagka­loo­ban ng libreng transfer factor na inihalo sa inu­ming tubig. Ang platelet na nasa kritikal na level na lamang ay biglang umak­yat sa normal level sa unang pag-inom pa la­mang. At sa ikalawang kap­sula na inihalo sa tubig, gumanda ang kon­dis­yon at nailabas na sa ICU ang batang hindi pinangalanan.

Sa paliwanag ni Uy, ang nasabing produkto ay natuklasan noon pang 1949 bilang pam­palakas ng immune system ng isang tao at noong 1991 ay nagsi­mula itong ga­ mitin sa iba pang panig ng mundo.

Taong 2004 lamang umano nadala ito sa Pilipinas na animo’y ‘won­der cure’ hindi la­mang sa nakamama­tay sa dengue, kungdi panla­ban sa lahat ng uri ng malalang ka­ramdaman, kabilang ang sakit sa puso, respiratory diseases, bacterial at iba pang viral diseases na wala pang natutuklasang gamot. (Ludy Bermudo)

Show comments