^

Bansa

Palasyo kinatigan ng CA sa Erap film

-

Kinatigan kamaka­ilan ng Court of Appeals ang naunang desisyon ng Office of the President na nag­bibigay ng apat na kon­disyon sa producer ng pelikula ni dating Pa­ngulong Joseph Estra­da bago ito payagang ipalabas sa publiko.

Kaugnay nito, dinis­mis ng CA ang petis­yon ng Publikasia at sina­bing hindi naman absolute ang karapa­tan sa pama­mahayag.

“Ang Mabuhay Para sa Masa” ay bio flick ni Estrada kung saan una nang binago ng OP ang resolusyon na ini­syu ng Movie Television Review and Classification Board na nagbabawal sa pag­pa­palabas nito dahil sa libelous umano ang ilang eksena dito na hindi ma­aring tala­kayin saanman mali­ban lang sa korte.

Kabilang sa mga nais ng OP na sundin ng producer ng nasa­bing peli­kula upang maipa­labas ito sa pub­liko ay (1) da­pat itong ipalabas mata­pos na maresolba with fi­nality ang kaso ni Estra­da sa Sandigan­bayan (2) ka­hit na pinal nang nare­solba ang kaso ni Es­trada sa San­diganba­yan, maari la­mang itong ipalabas subalit dapat na burahin ang usaping sub-judice; (3) Kaila­ngang isama at kilalanin ang resulta ng desisyon ng Korte Su­prema tung­kol sa Estra­da vs Arroyo sa legali­dad ng pagsa­sa­lin ng ka­pangyarihan sa na­sa­bing pelikula; at (4) dapat balansehin ang pelikula sa pama­ma­gi­tan ng pagbibigay ng pa­nig sa mga taong si­na­sangkot dito. (Gemma Amargo-Garcia)

ANG MABUHAY PARA

COURT OF APPEALS

ESTRA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOSEPH ESTRA

KABILANG

KORTE SU

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

OFFICE OF THE PRESIDENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with