GMA at FG ipinaospital
Mahigpit ang pagbabantay ng mga awtoridad sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City nang ma-confine dito kamakalawa ng gabi sina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo para sa kanilang executive check-up.
Nakapalibot ang presidential guards sa naturang pagamutan habang matamang nakabantay din ang mga K-9 team guard sa lobby ng pagamutan habang naroon ang mag asawa.
Pumasok sa ospital ang mag-asawa nitong Biyernes para sa executive check-up pagkagaling sa ibang bansa.
Sinabi naman ni Dr. Antonio S. Sibulo Jr., director ng SLMC’ Heart Institute at cardiologist ni Ginoong Arroyo, na ang mag asawa ay magdamag lamang sa pagamutan para sa kaukulang check-up. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending