^

Bansa

'Runner' ni Jocjoc nagkasakit na rin

-

Katulad ng mga opis­yal ng gobyerno na nag­ka­kasakit kapag iimbes­tiga­han, hindi rin naka­harap sa pagdinig kaha­pon ng Se­nado si Mari­tess Aytona, ang ‘runner’ umano ni Bo­lante sa P728 milyong fertilizer fund scam.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, si Aytona ay naka-confine sa Philippine Heart Center dahil nagkaprob­lema siya sa kanyang blood pressure.

Kinumpirma rin ni Gordon na nakausap niya si Aytona at may kasama itong abogado sa isang hindi binanggit na lugar bago ma-confine sa os­pital.

Iinimbitahan ng Sena­do si Aytona matapos itu­rong “runner” umano ni Bolante na nagpanukala ng 30-30-40 hatian kung saan 30 porsiyento ang mapupunta sa mga congressman, 30% kay Bo­lante at 40% ang pambili ng fertilizer.

Ayon kay Gordon, tini­yak niya ang kaligtasan nito sa sandaling humarap sa Senado.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon, idiniin si Bolante ni Dennis Araullo, dating executive director ng Region IV-A ng Department of Agriculture dahil ito umano ang nag-approved ng P40 milyon halaga ng farm inputs at implements sa kaniyang rehiyon.

Nang tanungin ni Sen. Mar Roxas kung magkano ang nakuhang parte ng Region IV-A sa P728M fertilizer fund, sinabi nito na, “As per record, all in all, P40 million,” sabi ni Araullo.

Si Ibarra Trinidad Poli­quit, dating chief of staff ni Bolante ang nagpadala ng sulat kay Araullo kaugnay sa pondo para sa Region IV-A.

Dahil hindi naman uma­no humiling ng pondo ang tanggapan ni Araullo, iki­ nonsidera niyang “special project” ang dumating sa kanila.

Samantala, tumanggi naman ang mga opisyal ng bangko na kumpirmahin ang mga sinasabing account ni Bolante at isinang­kalan nila ang bank secrecy law. (Malou Escudero)

ARAULLO

AYON

AYTONA

BOLANTE

DENNIS ARAULLO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GORDON

MALOU ESCUDERO

MAR ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with