Briton na nanggulpi sa asawang Pinay, ban na sa Pinas-BI

Walang lugar sa Pilipi­ nas ang mga dayuhang nang­gugulpi ng asawa.

Ito ang malakas na men­saheng binitiwan ni Bureau of Immigration Commissioner Marcelino Liba­nan nang ilagay nito sa immigration blacklist ang Briton na si John Paul Pembroke, 32, da­ hil sa pang­gugulpi at pang-aabuso sa asawang Pilipina.

Ayon kay Libanan, base sa impormasyong ipinara­ting sa DFA ng Philippine Embassy sa London, nag­rek­lamo umano sa kanila ang Pinay na asawa ng nasabing Briton dahil sa pananakit nito sa kaniya.

Dahil sa nasabing rek-la­mo, nagpalabas ng foreign service circular si DFA Asst. Secretary Domingo Luce­na­rio Jr. para hilingin    sa BI na maisama si Pembroke sa blacklist.

Sa reklamo ng asawa ng Briton, sinasaktan siya ng dayuhan at kahit naghi­ walay na uma­­no sila, patu-loy ang pang­haharass sa kan­ya sa pamama­gi­tan ng voice­mails at text messages. (Gemma Garcia)

Show comments