Malungkot at madilim na Pasko ang nagba badya sa buong Luzon, partikular sa Metro Manila, dahil sa napipintong blackout sanhi ng gagawing dec omissioning o pagtitigil ng daloy ng kuryente sa isang bahagi ng 230 kilovolt Sucat-Araneta-Balintawak transmission line.
Ito’y bunsod ng pagkatalo ng National Transmission Corporation (Transco) sa kasong isinampa ng mayayamang resi dente ng Dasmarinas Village sa Makati City upang tanggalin ang mahigit 3-kilometrong bahagi ng naturang power line na malapit sa kanilang exclusive subdivision.
Ayon kay Carlito Claudio, vice-president for operations ng Transco, nirerespeto nila ang desisyon ng korte, ngunit naghahanda pa rin sila para iapela muli ito. Nakalulungkot kasi aniya na ang desisyong ito ay posibleng magresulta ng rotating brownout sa mismong panahon ng Kapaskuhan.
Ang brownout na maaaring umatake mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi ay puwedeng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.
Wala kasi na ibang alternatibo ang gobyerno kundi ibaon o gawing underground ang naturang transmission line mula Lawton Avenue sa Fort Bonifacio patungong Pasong Tamo Extension. Ang paglilipat na ito, kabilang ang acquisition ng right of way, ay magkakahalaga umano ng P1.32 billion na tiyak ipapasa sa mga consumers.
Bukod dito, ang gaga wing paglilipat ng linya ay tatagal umano ng dalawang taon dahil hindi aniya ganoon kadali ang gaga wing konstruksiyon ng panibagong transmission line.
Partikular na tatamaan ang linyang nasa may lugar ng South Superhighway sa may gilid ng Fort Bonifacio at Dasmarinas Village. Ito umano ay kritikal na linya ng kuryenteng dinadaluyan ng genera-ted power mula sa mga power plants sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa kasalukuyan, isang contingency plan na umano ang inihahanda ng Transco para sa napipintong decomissioning ng linya batay sa kautusan ni Judge Eugene Paras ng Makati RTC Branch 58.
Lumabas ang writ of execution mula sa tanggapan ni Judge Paras noong nakaraang buwan matapos katigan ng Korte Suprema ang petisyon ng mga Dasma residents laban sa Transco.
Una rito, nagreklamo ang mayayamang residente ng Dasmarinas Village dahil sa umano’y panganib sa kalusugan dulot ng sinasabi nilang electromagnetic radiation mula sa high voltage transmission line ng pamahalaan. (Butch Quejada)