^

Bansa

Paskong blackout nakaamba

-

Malungkot at madilim na Pasko ang nagba­ bad­ya sa buong Luzon, parti­kular sa Metro Manila, dahil sa napipintong black­out sanhi ng gagawing dec­ omissioning o pagtitigil ng daloy ng kuryente sa isang bahagi ng 230 kilovolt Sucat-Araneta-Balin­tawak transmission line.

Ito’y bunsod ng pag­katalo ng National Transmission Corporation (Trans­co) sa kasong isinampa ng mayayamang resi­ dente ng Dasmarinas Village sa Makati City upang tanggalin ang mahigit 3-kilometrong bahagi ng naturang power line na malapit sa kanilang exclusive subdivision.

Ayon kay Carlito Clau­dio, vice-president for   operations ng Transco, nirerespeto nila ang de­sisyon ng korte, ngunit naghahanda pa rin sila para iapela muli ito. Na­kalulungkot kasi aniya na ang desisyong ito ay po­sibleng magresulta ng rotating brownout sa mis­mong panahon ng Kapas­kuhan.

Ang brownout na maa­aring umatake mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi ay pu­we­deng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Wala kasi na ibang alternatibo ang gobyerno kundi ibaon o gawing underground ang naturang transmission line mula Lawton Avenue sa Fort Bo­nifacio patungong Pa­song Tamo Extension. Ang paglilipat na ito, kabi­lang ang acquisition ng right of way, ay magkaka­ha­l­aga umano ng P1.32 bil­lion na tiyak ipapasa sa mga consumers.

Bukod dito, ang gaga­ wing paglilipat ng linya ay tatagal umano ng dala­wang taon dahil hindi ani­ya ganoon kadali ang ga­ga­ wing konstruksiyon ng panibagong transmission line.

Partikular na tatamaan ang linyang nasa may lugar ng South Superhighway sa may gilid ng Fort Bonifacio at Dasmarinas Village. Ito umano ay kri­ti­kal na linya ng kuryenteng dinadaluyan ng genera-ted power mula sa mga power plants sa Southern Luzon, Visayas at Minda­nao.

Sa kasalukuyan, isang contingency plan na uma­no ang inihahanda ng Transco para sa napi­pin­tong decomissioning ng linya batay sa kautusan ni Judge Eugene Paras ng Makati RTC Branch 58.

Lumabas ang writ of exe­cution mula sa tang­gapan ni Judge Paras noong nakaraang buwan matapos katigan ng Korte Suprema ang petisyon ng mga Dasma residents laban sa Transco.

Una rito, nagreklamo ang mayayamang resi­dente ng Dasmarinas Village dahil sa umano’y pa­nganib sa kalusugan dulot ng sinasabi nilang electromagnetic radiation mula sa high voltage transmission line ng pamahalaan. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CARLITO CLAU

DASMARINAS VILLAGE

FORT BONIFACIO

JUDGE EUGENE PARAS

JUDGE PARAS

KORTE SUPREMA

SHY

TRANSCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with