Impeach GMA dedo na!

Tuluyang ibinasura kahapon ng House committee on justice ang ika­apat na impeachment complaint laban kay Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagiging “insufficient in substance.”

Sa botong 42-8, ibina­sura ng komite ang impeachment kasama ang sa iba pang kahalintulad na reklamo laban sa Pangulo sa nagdaang mga taon.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pangala­wang tagapangulo ng ko­mite na pinangunguluhan ni Quezon City Rep. Matias Defensor, rehash at recycled lamang o mga lu­mang usapin na binuhay muli ang naturang reklamo.

Pinuna ni Lagman na napagpasyahan na at nauna nang nadismis sa mga naunang impeachment complaint laban sa Pangulo noong 2005, 2006 at 2007 ang mga usapin ng Garci tape, ZTE-NBN deal, extra judicial killings, North­rail contract at dayaan sa halalan noong 2004.

Kumontra sa boto ng mayorya sina House minority leader Ronaldo Za­mora at Reps. Satur Ocam­po, Liza Maza, Teddy Casino, Teofisto Guingona, Abigail Binay, Cinchona Gonzales at Rufus Rodriguez.

Ihahain ng komite ni Defensor sa floor para sa huling botohan sa susunod na linggo ang impeachment complaint na na­unang isinampa ng negos­yanteng si Jose de Vene­cia III. 

Samantala, mistulang nakiramay naman ang ilang senador sa mga pro-impeachment congressmen matapos tuluyang malibing ang imeachment complaint laban kay Arroyo.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ang impeachment complaint lamang ang pinatay ng mga mam­babatas, pero mananatili pa rin ang galit ng mga ma­mamayan sa Presidente dahil sa napakaraming katiwaliang nangyayari sa gobyerno.

Naniniwala si Lacson na hindi makakalimutan ng taumbayan si Arroyo dahil ito umano ang pinaka-corrupt na naging pangulo ng bansa.

Nanawa­gan naman ang Malaca­ñang sa publi­ko na ires­peto ang naging desisyon ng mayorya ng mga kon­gresista na nag­basura sa ika-apat na impeachment complaint la­ban kay Pangulong Arroyo dahil sa kakulangan ng sustansiya ng reklamo.

Show comments