^

Bansa

P10-M pekeng gulong nasabat sa PASG raid

-

Aabot sa P10 milyong halaga ng mga pekeng brand name ng mga gu­long ang nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa Bulacan.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., sinalakay ng Special Operations Group ng PASG ang isang bodega sa 1501 Tugatog St., ba­rangay Pantok, Meycaua­yan, Bulacan kung saan ay natuklasan ang may P10 milyong halaga ng mga pekeng Dunlop tires at motorcycle spare parts.

Ang nasabing bodega ay pag-aari ng isang Su Yi Jun habang ang umuupa na­man ditto ay si Mario Chua.

Natuklasan din ng raiding team ang mga hot items at machineries na ginagamit sa re-labeling ng mga pekeng produkto.

Nakipag-ugnayan ang PASG sa Dunlop Asia upang maging matagum­pay ang paghahain ng kaso laban kay Su at iba pang kasabwat nito na sasampahan ng paglabag sa Tariffs and Customs Code at IPR law.

Napag-alaman ng PASG na nasa China si Su at posibleng hindi muna ito umuwi ng Pilipinas mata­pos salakayin ang kan­yang bodega sa Bulacan. (Rudy Andal)

BULACAN

DUNLOP ASIA

MARIO CHUA

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

SHY

SPECIAL OPERATIONS GROUP

SU YI JUN

TARIFFS AND CUSTOMS CODE

TUGATOG ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with