JDV namumuro sa bribery
Hinamon kahapon ng Confederation of Government Employees Organizations (COGEO) ang Opo sisyon sa Kongreso na patunayan ng mga ito na wala silang kinikilingan sa pamamagitan ng pagsisiyasat kay dating Speaker Jose de Venecia sa salang bribery.
Pinuna ni COGEO Chairman at legal counsel Atty. Jesus Santos na umamin si de Venecia na tumanggap ito ng tinagurian nitong P500,000 suhol mula umano sa Malacañang.
Ayon pa kay COGEO president Flor Ibañez, idinagdag pa ni de VenecIa na hanggang ngayon ay hawak pa niya ang umano’y suhol at ni hindi ito ibinunyag kaagad.
“Ang pagtanggap ng suhol ay labag sa batas. Samakatuwid, dapat managot si Ginoong de Venecia sa batas,” ayon kay Ibañez.
Sinabi ni Santos na kung totoong para lamang sa katarungan at katotohanan ang Oposisyon tulad ng kanilang sinasabi, dapat na siyasatin at aksyunan muna nila ang isang lumabag sa batas tulad ni de Venecia.
“Kung hindi gagalawin ng Oposisyon ang isang aminadong lumabag sa batas na si Ginoong De Venecia, wala silang karapatang moral na ipagpatuloy pa ang pagsisiyasat sa impeachment complaint laban sa Pangulong Arroyo,” dagdag pa ni Santos.
Una nang sinabi ni De puty Presidential Spokesman Anthony Golez na posibleng makasuhan si de Venecia dahil sa pag-amin nitong tumanggap siya ng suhol na P500,000 habang nasa kasagsagan ng impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo noong 2007.
“A crime was commited, he is guilty of accepting a bribe as he said, at ang pera ay itinago niya. Yan ang sinabi niya,” wika pa ni usec. Golez. (Butch Quejada/Rudy Andal)
- Latest
- Trending