^

Bansa

Minority solons nag-walkout, Impeach ibabasura

- Butch M. Quejada -

Malamang mabasura ang inihaing impeachment complaint laban kay Pa­ngulong Arroyo matapos akusahan ng mayorya sa Kamara na pineke ang naturang reklamo sa isi­nagawang House Justice committee hearing kaha­pon.

Dahil nainsulto, nag-walk out at nawalan ng gana ang mga kongresista ng minorya sa kalagitnaan ng pagdinig.

Si San Juan Rep. Ron­nie Zamora, minority floor leader sa Kamara ang na­nguna sa walk-out dahil nagtampo ang mga ito sa ginawang alegasyon ni Cavite Rep. Elpidio Bar­zaga na peke umano ang dokumento ng impeachment complaint laban kay Arroyo.

Sinabi ni Barzaga na ni-notaryo ng isang abo­gadong na nangangalang Michael Dagunod ang rek­lamo sa harapan ng mga complainant noon Oktubre 10, 2008 gayong ang pir­ma ng mga abogado na ku­makatawan sa mga nag­rereklamo ay nakalagay na Oct. 11, 2008.

Sinabi ni Zamora kay Quezon City Rep. Matias Defensor, Chairman ng House Committee on Justice na mag-rule kung dapat kasuhan ng falsification of public documents ang mga kongresista sa minorya pero inayawan ng huli ang una dahil hindi daw saklaw ng kanilang komite.

Gayunman, kinausap ni Defensor si Barzaga para bawiin ang kanyang sinabi hinggil sa isyu ng falsification of public documents na agad naman pinagbigyan ng huli.

Ang pagdinig ay itinu­loy din pero sinuspinde da­kong alas-2 ng hapon ka­hapon.

Ayon sa ilang political observer dapat hindi nag­tampo o nag-walk ang mga kongresista kung ayaw nila ang sinabi ni Barzaga da­pat anila na nakinig muna ang mga ito tulad ng gina­wa ng mga administration Congressmen kamakala­wa sa ginawang pagdinig din tungkol sa impeachment complaint.

Bukod dito, hinamon ni Joey de Venecia III, anak ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr., na mag-inhibit si Defensor bilang chairman ng House Committee on Justice sa ginagawang pagdinig ka­ugnay sa impeachment complaint.

Ayon kay de Venecia, may alam daw si Mike, anak ni Rep. Defensor, sa isa sa mga alegasyon na tinatalakay ngayon sa Kongreso laban kay Arroyo.

Ayon kay de Venecia ang pag-inhibit ng matan­dang Defensor ay hinggil sa kompanya na may kina­laman sa kontrata sa Di­wal­wal na kabilang sa reklamo. (May ulat ni Angie dela Cruz)

AYON

BARZAGA

CAVITE REP

ELPIDIO BAR

HOUSE COMMITTEE

HOUSE JUSTICE

HOUSE SPEAKER JOSE

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with