Dinismis kahapon ng Sandiganbayan ang isa sa mga graft complaints la ban kay dating Department of Justice Secretary Hernando “Nani” Perez.
Ayon kay Atty. Renato Bocar, tagapagsalita ng first division ng Sandiganbayan, inilabas ng hukuman ang limang pahinang percurial resolution na nagbabasura sa kaso laban kay Perez dahilan na rin sa kawalan ng isa sa elemento ng tinatawag na “monetary consideration.
Ang kaso ay may kinalaman sa umanoy pangingikil at pagtanggap ni Perez ng $2 Milyon mula kay dating Manila Congressman Mark Jimenez upang hindi na umano nito i-pressure ang kongresista na pumirma ng mga affidavit na nagdadawit kay dating Pangulong Joseph Estrada sa kasong plunder case. (Angie dela Cruz)