Senado namili ng 9 Toyota Innova
Mistulang tinamaan ng matinding suwerte ang mga directors at iba pang opisyal ng Senado na makakatanggap ng siyam na Innova mula sa Mataas na Kapulungan na binili gamit ang pera ng taumbayan at gagas tusan ng pera ng taumbayan para sa gasolina.
Ang siyam na brand new Innova-J model ay idineliver sa Senado noong Nobyembre 17, araw ng Lunes, kung kailan napatalsik sa kanyang puwesto si dating Senate President Manny Villar.
Mismong sa compound ng Senado, malapit sa Senate Motorpol, dinala ang mga Innova-J na nagkakahalaga umano ng nasa P8 milyon.
Gagamitin umano ng mga director ng Senado kabilang ang nasa Protocol ang mga nabanggit na sasakyan upang gawing service vehicle.
Matatandaan na, da hil sa nararanasang krisis ng bansa, isa sa kautusan ng Malacañang ang paghihigpit sa mga red plate vehicles dahil pera ng taumbayan ang ginagastos sa gasolina ng mga ito. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending