^

Bansa

Senate spouses nag-ninang sa mga batang lansangan

-

Isang buwan bago mag-Pasko, inunahan na ng Senate spouses si Santa Claus sa pami­migay ng regalo at saya sa mga batang inaban­dona ng kanilang mga pamilya.

Ito ay sa pamamagitan ng proyektong Christmas in November ng Senate Spouses Foundation Inc, (SSFI) na pinamunuan ni Las Piñas Congw. Cynthia Villar at ng SM Megamall sa pangunguna naman ni Ms. Tessie Sy-Coson.

Inilunsad noong 2000, ang Christmas in November ay isa sa mga pangu­nahing proyekto ng SSFI para sa mga bata. Layunin nito na mapasaya at ma­ipa­dama sa mga batang ulila at inabandona ang diwa ng Pasko sa buwan ng Nobyembre.

Sa taong ito, 60 bata na kinakalinga ng Taha­nang Mapagpala Foundation sa Caloocan ang pinasaya ni Villar at ng Senate spouses sa isang araw ng pama­masyal sa SM Megamall.

Anim na bata ang naging ‘alaga’ ng bawat se­ nate spouse. Ipinamili nina Villar, Audrey Zubiri, Lani Cayetano, Monchit Biazon, Kate Gordon, Bing Pimen­tel, Precy Estrada, Arlene Trillanes, Mrs. Fernan at Andrea Bautista-Yñares ang kanilang mga kasa­mang bata ng bagong damit, sapatos, laruan, bag at iba pang kagamitan.

vuukle comment

ANDREA BAUTISTA-Y

ARLENE TRILLANES

AUDREY ZUBIRI

BING PIMEN

CYNTHIA VILLAR

KATE GORDON

LANI CAYETANO

LAS PI

MAPAGPALA FOUNDATION

MEGAMALL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with