Samantala, naniniwala ang Chinese HK Triad drug syndicate whistleblower na si Mary Ong alyas Rosebud na bilang na ang araw ni Lacson.
“Ping’s days are numbered. With the arrest of Michael Ray Aquino for espionage case in US, Mancao and Dumlao, it is time that I am appealing to other victims and witnesses to come out,” pahayag kahapon sa text message ni Rosebud sa PNP Press Corps.
Hinikayat ni Rosebud ang ilang mga testigo at mga naging biktima ng grupo ng opisyal na lumutang na at magsama-sama upang makamit ang kailangang hustisya.
Noong 2001 ay pumuslit sa bansa si Mancao at isa pang opisyal na si dating Sr. Supt. Michael Ray Aquino matapos na isabit sa Dacer-Corbito murder case ni Dumlao.
Marso 2005 ay nasakote naman si Aquino ng US Federal Bureau of Investigation sa kasong espionage o pang-e-espiya kung saan nakulong ito sa US prison.