P100M peking duck nasabat ng PASG

Aabot sa P100 mil­yong halaga ng hot meat, peking duck at iba pang aquatic products ang nasamsam ng mga ta­uhan ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) sa 3 cold storage sa Valenzuela City.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., sinalakay ng kan­yang mga tauhan ang mga bodega na pinanini­wa­laang prente ng smuggling sa Solivar trading na pag-aari ng isang William Ho sa 73-B Maysan road, Valen­zuela.

Nasamsam sa na­sa­bing mga bodega ang mga frozen peking ducks, rice ducks, geese, fish fillets, giant squids, seafood balls na mula sa China, pork at beef na mula sa Brazil.

“For all we know we might have a tragedy in the waiting should these frozen met contain Avian flu virus. Only last summer, South Korea was hit by this disease and we are in danger of experiencing this malady all because some businessmen and corrupt Customs personnel are conniving in return for huge profit and grease money,” wika pa ni Usec. Villar.

Dahil dito, iniutos ni Villar sa kanyang mga tauhan na bantayan ang pagdagsa ng mga smug­gled goods lalo ngayong kapaskuhan partikular ang mga meat products.

Dahil sa pagkabigong makapagpakita ng ka­ukulang import permits ay kakasuhan ang may-ari ng bodega ng pagla­bag sa Tariff and Customs Code. (Rudy Andal)

Show comments