^

Bansa

Sa dami ng nagpapa-annul,18 anyos di dapat payagang magpakasal

-

Dapat nang taasan ang minimum age ng mga taong papayagang magpakasal sa bansa dahil posibleng isa ito sa mga remedyo para makaiwas sa mga broken marriage.

Ipinaliwanag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, chairman ng CBCP- National Appellate Matrimonial Tribunal (NAMT), ang mga taong nagkakaedad ng 18 ay hindi pa dapat na payagang mag­pakasal dahil “hilaw” pa ang mga ito para sa pagtataguyod ng isang pamilya.

Sa datos ng Office of the Solicitor General (OSG), umaabot sa 7,753 ang annulment cases na inihain noong taong 2007 na higit na malaki kumpara sa 7,138 na inihain noong 2006.

Sinasabing kalahati ng mga mag-asawa na naghain ng annulment ay nasa edad 21 hanggang 25 at halos wala pang limang taong nagsasama sa iisang bubong.

Ang maagang pag-aasawa ang nakikita ring dahilan ni Caloocan Bishop Deogracias Iniguez kaya dumarami din ang annulment cases sa bansa.

Ayon kay Iniguez na bukod sa “premature marriage,” marami ding individual ang basta na lamang nag-aasawa na hindi sigurado sa makakasama sa habambuhay at taong kanyang pakakasalan. Sinabi din ng arsobispo na mahalaga ang mental capability at preparedness bago pasukin ang pagpapakasal. (Doris Franche)

AYON

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ

DAPAT

DORIS FRANCHE

INIGUEZ

IPINALIWANAG

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

NATIONAL APPELLATE MATRIMONIAL TRIBUNAL

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with