^

Bansa

Bago binyag, magulang dapat kasal!

- Doris Franche-Borja -

Dapat kasal muna sa simbahan ang mga ma­gu­lang bago pabinyagan ang kanilang mga anak.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Matrimonial Tribunal, nakasaad sa principle ng Simbahang Katoliko na dapat na may basbas ng simbahan ang pagsasama ng mag-asa­wa gayundin ang kani­lang  mga anak sa pama­magitan ng binyag.

Maaari lamang binya­gan ang bata kahit hindi kasal ang magulang kung ito ay nasa peligro ng ka­matayan at may sakit da­hil itinuturing itong emergency.

Ani Cruz, tinatanong din muna niya ang mga magulang na magpapa­binyag kung saan kasal.

“Kung sumagot ng huwes, sinasabi ko na sa huwes din pabinyagan ang anak nila,” ani Cruz.

Iginiit din ni Cruz na dapat na kapwa katoliko ang  ninong at ninang ng bi­binyagan dahil ang mga ito ang tatayong panga­la­wang magulang ng bata.

Dahil dito, mandatory din na tanungin ng simba­han ang mga magulang kung kasal at kung Kato­liko ang mga ninong at ninang dahil magkaiba ang pananampalataya kung magkaiba ang reli­hiyon.

Subalit aminado si Cruz na kung iba ang pananampalataya ng magulang, napabibinya­gan pa rin ang bata kahit hindi kasal. Ang pana­nam­palataya ay itinuturo ng magulang.

ANI CRUZ

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CRUZ

EPISCOPAL COMMISSION

KUNG

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

MATRIMONIAL TRIBUNAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with