Bawal mag-ninong at ninang sa binyag ang 18 anyos pababa

Pinaalala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na mayroong “age limit” na ipinatutupad ang Simbahang Katoliko para sa mga kinukuhang Ninong at Ninang sa binyag.

Ayon kay Cruz, ang na­sa­bing polisya ay ipina­tutupad sa Central Panga­sinan, kung saan pinagba­bawalan ang mga nasa edad 18 pababa na mag-ninong o ninang sa bin­ yag.

Malinaw aniya ang na­ ka­saad sa batas ng Sim­bahan na tanging ang mga adult lamang ang maaring kuning ninong at ninang. Hindi aniya kasi maga­gawa ang obligasyon bi­lang ninong at ninang para sa bata kung wala pa sa tamang edad.

Umaasa naman si Cruz na striklto ring maipatupad ang nasabing polisya sa iba pang Simbahan.

Tradisyon na tuwing kapaskuhan para sa mga ninong at ninang ang mag­bigay ng aginaldo sa kani­lang mga inaanak. Pero ayon kay Cruz, maliban sa pagbibigay ng aginaldo, may responsibili­dad pa ang mga ninong at ninang bilang ikalawang magulang ng mga bata. (Doris Franche)

Show comments