Tindahan ng paputok bubusisiin

Magsasagawa ng malawakang inspek­syon sa mga paga­ waan at tindahan ng paputok ang Bureau of Fire Protection upang mailayo sa kapahama­kan dulot ng sunog ang publiko ngayong nala­lapit na selebrasyon ng Kapas­kuhan at Bagong Taon.

Ito ang kauna-una­hang ipapatupad na ak­syon ng bagong upong “officer-in-charge” ng BFP na si Chief Supt. Rolando Bandilla Jr. matapos na manumpa ito sa puwesto kahapon ng umaga kapalit ni da­ting Director Enrique Linsangan.

Sinabi ni Bandilla na susuyurin nila ang lahat ng pabrika at kahit mga maliliit na pagawaan ng paputok partikular na sa Bulacan kung saan taun-taong hindi nai­iwa­san na magka­ roon ng insidente ng sunog dulot ng mga paputok.

Lilibutin rin ng mga inspector ng BFP ang mga palengke at ma­ging mga shopping malls lalo na sa Divi­soria na nagtitinda ng mga paputok galing sa Tsina. (Danilo Garcia)

Show comments