Villar talsik, Enrile pasok

Inihayag kahapon ni Senate President Ma­ nuel Villar ang pag­bi­bitiw niya sa pu­westo.

Papalit kay Villar si Senador Juan Ponce En­rile na kabilang sa mga makaadministras­yong mambabatas.

Binati ni Villar si En­rile at nagpahayag siya ng kanyang pagsu­porta rito.

Bago ginawa ni Villar ang hakbang, umugong kahapon ang napipin­tong hakbang ng ilang mga senador na patal­sikin siya sa puwesto.

Nilinaw ni Villar na nakadepende ang po­sisyon ng isang Senate President sa bilang ng mga miyembrong su­mu­suporta rito.

“Nasabihan ako nga­yong hapon hindi na ako sinusuportahan ng ma­yorya ng aking mga ka­sa­mahan. Dahil dito, nagbibitiw ako sa pu­westo at binabati ko ang bagong Senate President na si Ka­ga­lang-Ga­lang Juan Ponce Enrile,” sabi ni Villar.

Tinanggap ni Enrile ang kanyang bagong responsibilidad at, sa kanyang panunumpa sa bagong tungkulin, hini­ling niya sa kan­yang mga kasamahan na suportahan siya.

Idinagdag niya na hindi niya hiningi ang po­ sisyon pero ikinara­rangal niyang tangga­pin ito.

Nabatid din na isang kasama ni Villar sa Na­ cionalista Party na si Senador Allan Peter Cayetano ang nagbitiw bilang tagapangulo ng blue ribbon committee.

Sa botohan, naka­kuha si Enrile ng 14 na boto. Lima ang hindi bumoto.

Nauna rito, inino­mina ni Senador Pan­filo Lac­son bilang ba­gong pa­ngulo ng ma­taas na ka­pulungan si Enrile.

Naluklok naman bi­lang bagong majority leader si Sen. Juan Mi­guel Zubiri.  

Kabilang sa bumoto kay Enrile sina Sens. Edgardo Angara, Juan Mi­guel Zubiri, Jose “Jing­goy” Estrada, Ro­dolfo Biazon, Richard Gordon, Panfilo Lacson, Jamby Madrigal, at Lito Lapid, Mar Roxas, Loren Legarda, at Ramon “Bong” Re­villa Jr, Fran­cis Escu­dero, at Gringo Hona­san at Aquilino Pimen­tel Jr.

Show comments