Rugby, dangerous drug na

Dahilan sa nakaka­alarmang pagkalulong ng mga kabataan sa rugby, ibinilang na rin ito ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa klasipikasyon ng mga mapanganib na droga sa bansa.

Inianunsyo ni DDB Chairman Sec. Vicente “Tito” Sotto III sa idinaos na ika-36 taong selebrasyon ng anibersaryo ng ahen­sya kahapon na lahat ng mga produktong nagta­taglay ng ‘toluene based chemical‘ tulad ng ‘rugby’ ay kabilang na sa mga ‘dangerous drugs’.

Ayon kay Sotto sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinasa ng Board, pinagtibay ang DDB resolution No. 6 series of 2007 na nagbibigay babala sa mga manufacturers ng mga producers ng toluene based contact cement na haluan ng may 5 % ng mustard oil ang kanilang produkto lalo na ang “rugby.”

Ang mustard oil aniya ay nakakabawas ng ma­bangong amoy ng ano mang contact cement na nakakaengganyo sa sinu­mang indibidwal na amu­yin ito.

Tinaningan sa nasa­bing resolusyon ng DDB ang mga manufacturers ng hanggang Abril 9 , 2009 na ipatupad ang bagong regulasyon. (Joy Cantos)

Show comments