Debate ng mga kandidato sa 2010, giit ng Comelec

Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na malaki ang maitutulong ng debate ng mga kakandidato sa pag­kapangulo sa 2010 elections sa mga botante.

Ayon kay Commissioner Rene Sarmiento, mas makakapili ng mabuti ang mga botante ng ma­gi­ging pangulo ng bansa kung makikita ng publiko ang kanilang galing at mga plano para sa bansa.

Ang mungkahi ni Sar­miento ay bunga na rin ng  ginawang debate nina John Mcain at US President-elct Barrack Obama bago isagawa ang US election.

Nilinaw ni Sarmiento na wala umano siyang anumang masamang in­tensiyon sa mga kakandi­dato bagkus ay nais lamang niyang malina­wan ang isip ng mga botante kung sino ang karapat-dapat na maging pangulo ng bansa.

Aniya, napakahalaga na malaman ng mga botante ang kakayahan ng mamumuno dahil ito ang siyang kikilos upang maisulong ang bansa. (Doris Franche)

Show comments