^

Bansa

Dela Paz hawak na ng Senado

-

Tinupad kahapon ni dating National Police comptroller Eliseo Dela Paz ang kanyang pangako kay Sen. Panfilo Lacson na magpa­pakita sa Senado bago ang nakatakdang hearing ng Senate Committee on Foreign Relations ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ngayong alas-10 ng umaga.

Kasama si Lacson, du­mating kahapon ng hapon si dela Paz sa Senado ma­tapos magkita ang dalawa sa isang building sa Makati.

Agad na idiniretso si dela Paz sa tanggapan ni Senate Sergeant-at-Arms Jose Balajadia.

Sinigurado ni dela Paz na sasagot siya sa tanong ng mga senador kaugnay sa pagdadala ng P6.9 mil­yon sa Moscow.

Naniniwala si Lacson na siya ang napili ni dela Paz na kontakin dahil dati siyang hepe ng Philippine National Police.

Napagdesisyunan din kagabi na manatili na la­mang si dela Paz sa Sena­do dahil na rin sa bisa ng warrant of arrest laban sa kanya. Inihayag din ni Lac­son na sa kanyang opi­nion, mas mabuting huwag na munang paharapin sa hearing ngayon ang asawa ni dela Paz na inimbitahan din ng komite. 

Bukod kay dela Paz, ha­harap din ngayon sa Sena­do ang ibang heneral na nagtungo sa Russia. (Malou Escudero)

ARMS JOSE BALAJADIA

DELA

ELISEO DELA PAZ

FOREIGN RELATIONS

LACSON

MALOU ESCUDERO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NATIONAL POLICE

PANFILO LACSON

PAZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with