Anti-billboard campaign ng DPWH paiigtingin pa

Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na panatilihin ang kanilang kampanya laban sa mga anti-illegal billboard operation upang matiyak ang  kaligtasan ng publiko sa lahat ng oras.

Sa kautusang ito ng Pangulo, kailangan na ipa­tupad ng DPWH at ng iba pang law enforcement agencies ang kanilang kampanya para sa maayos na paggamit at pag­papatayo ng billboards kahit na may masagasaan pa.

Kamakailan ay binaklas ng DPWH ang mga billboard na illigal na itinayo malapit sa Camp Crame sa San Juan.

Pinangunahan nina National Building Code Development Office Executive Director Emmanuel Cuntapay, DPWH First Metro Manila District Engineer Roberto Nicolas at San Juan City Architect Romeo Gonzales ang pagbabaklas ng mga naglalakihang  billboard katabi ng  CATS-Mercedez Benz Building  sa  EDSA, East Green­hills, San Juan City.

Lumilitaw na nilabag ng J. Ramos Billboard Services  ang  pinapayagang size requirements  ng mga billboards na may sukat na  40 ft.x  30 ft. at  isang panganib sa mga motorista. (Doris Franche)

Show comments