Imus, Cavite - Pinangunahan ni Vice-Mayor Mandy Ilano, ang acting mayor ng maunlad na suburban na bayang ito ang isang agre sibong kampanya kontra drug addiction na ang tinatarget na maturuan ay mga batang mag-aaral.
Tinawag ang proyekto na “Starting Them Young” ay naglalayong turuan ang mga bata hinggil sa kasamaan ng drug addiction at kung paano maiiwasan na maging biktima ng nasabing bisyo.
Ipinaliwanag ni Ilano na pasisimulan nila ang proyekto sa may walong pribado at pampublikong eskwelahan sa high school bilang mga pilot areas.
Sa kasalukuyan ay sinimulan na nila ang proyekto sa dalawang paaralan na nag-boluntaryo na siyang magpasimula ng programa.
“Kung makita natin na epektibo ang programa ay palalawakin natin ito sa buong munisipalidad at kung maari at magugustuhan ng ibang bayan ay puwede din naman nila itong i-adopt,” sabi ni Ilano.