^

Bansa

Depektibong Xmas lights may tatak DTI

-

Nakakalat pa rin sa merkado ang mga substandard na Christmas lights na maaring pag­mulan ng sunog kaya da­pat maging mapili ang publiko sa pagbili ng mga tulad nitong produkto.

Ito ang naging babala kahapon ni Manila Police District-station 11, P/Supt Nelson Yabut matapos umanong mapag-alamang rehistrado na rin sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga katulad ng nakumpiskang substandard na Christmas lights sa mga pagsalakay.

“Wala namang pinag­kaiba iyong mga ibine­benta ngayon dito (Binon­do) sa mga kinumpiskang Christmas lights noon sa mga bangketa at tindahan, maliban sa ngayon ay hindi mo na sila puwedeng si­tahin dahil may nakatatak na ng DTI sa mga plastic. Nahihiya na nga akong manita,” ani Yabut.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni MPD Director General Roberto Rosales na mas maayos at tahimik ngayon ang pamimili sa Divisoria area dahil sa police visibility at pagtatag ng discipline zone sa kaha­baan ng CM Recto, Juan Luna, Carmen Planas.

Naging maluwag uma­no ang daloy ng trapiko at wala nang nakahamba­lang na mga sidewalk vendors. May kasunduan din umano sa bawat area na maaring pagtindahan ng mga vendors na sila ang mismong tetestigo laban sa masasaksihang krimen at magtataboy sa mga snatchers at holdaper na pinaniniwalaang kakilala sa lugar.

Ani Rosales, sa oras na may maganap na krimen, damay sa pagtaboy ang mga nagtitinda kaya naki­kipagtulungan sila sa ka­ayusan sa lugar. (Ludy Bermudo)

ANI ROSALES

CARMEN PLANAS

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIRECTOR GENERAL ROBERTO ROSALES

JUAN LUNA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

SUPT NELSON YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with