^

Bansa

6-8 hrs. duty sa mga driver

-

Iminungkahi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Alberto Suan­sing na ma­ipatupad ang 6 hanggang 8 oras na pagmamaneho ng mga driver at isang franchise lamang sa da­lawang kum­panya upang maiwa­san ang mga aksi­dente sa lansangan.

Ang hakbang ay bun­sod ng pahayag ng Department of Health (DOH) na ika-4 na sa sanhi ng kamatayan ng mga Pinoy ang mga banggaan sa kalsada bunga na rin ng sunud-sunod na insidente noong nakaraang linggo.

Sa isinagawang road safety seminar sa UP, sinabi ni Dr. Cecile Mag­turo ng DOH na ang ma­habang oras ng pagma­maneho at pagod ang nagiging dahilan upang mawalan ng kontrol ang mga driver sa pagma­maneho.

Dahil dito, sinabi ni Suansing na ang pagba­was sa oras ng pagma­maneho ng mga pam­pasaherong sasakyan ay isa sa kanyang nakikitang paraan para maibsan ang mga car accident dahil pawang ang driver’s error ang ugat ng mga bang­gaan ng mga sasakyan na nangyayari nitong mga nakalipas na araw

“Kung babawasan ang oras ng kanilang pagma­ maneho maiiwa­san ang mga aksidente kase kung sobrang haba ng oras ng kanilang pag­mamaneho at naghaha­bol pa sila sa kita nila, ak­sidente talaga ang pupun­tahan niyan dahil pagod na ang utak at katawan niyan,” pahayag ni Suan­sing.

Sinabi din ni Suansing na sa ibang bansa, kaila­ngang gamitin lamang ng dalawang kumpanya ng bus ang isang franchise upang mabawasan na­man ang gumagamit ng bawat ruta ng sasakyan na nag-uunahan sa kal­sada. (Angie dela Cruz/Doris Franche)

ANGIE

CHIEF ALBERTO SUAN

CRUZ

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

DR. CECILE MAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SHY

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with